Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jameson at Janella, nag-deactivate sa social media

KAPWA hindi naka­yanan nina Janella Salvador at Jameson Blake ang mga panglalait na natatanggap sa kani-kanilang social media kaya naman pinutol o nag-deactivate sila ng kanilang account.

Mabilis hinusgahan ang pagkatao ni Janella nang nakipagtalo siya sa isang matandang tindera ukol sa sukli at inulan naman ng panghihiya si Jameson nang tanggihan at takbuhan siya ng nililigawan.

Timely ang usaping ito na tinalakay sa So Connected na handog ng Regal Entertainment at idinirehe ni Jason Paul Laxamana. Na tiyak marami ang makare-relate lalo na iyong mga naba-bash.

Masayang panoorin ang So Connected na kung gusto ninyong tumawa at maaliw, panoorin ninyo ito na sa umpisa pa lang ay hahangaan mo na ang galing umarte ni Jameson. At siyempre, hindi rin naman nagpahuli si Julia na natural na natural ang pagiging kikay.

Sa kabilang banda, star studded ang ginanap na red carpet premiere night noong Martes ng So Connected sa SM Megamall. Ang mga sumuportang kaibigan nina Jameson at Janella ay sina Maja Salvador, Maris Racal, Iñigo Pascual, Mccoy de Leon, Elisse Joson, Jane Oineza, Kyle Secades, Marco Masa, Chunsa Jung, at ilang miyembro ng Hashtags.

At siyempre naroon din ang iba pang bida sa So Connected tulad nina Paulo Angeles at Krystal Brimmer.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …