Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ‘di sikat para buntutan ng paparazzo

KUNG consistent si Ellen Adarna sa kanyang pagkairita sa mga umano’y nang-i-istalk sa kanila ng nobyong si John Lloyd Cruz, dapat ay hindi niya palampasin kung sinuman ang nag-upload ng kanyang picture na kuha sa Amanpulo.

Sa mga larawan, makikita ang malaking umbok ng kanyang tiyan. Tinatayang nasa walo hanggang siyam na buwan na ito.

Matatandaang ikinairita ni Ellen ang viral video na in-upload ng menor na edad na si Eleila Santos habang kumakain sa isang restaurant.

Pinaratangan ni Ellen ang dalagita na ini-stalk siya, na agad nitong inalmahan.

Pati ang ina ng dalagita’y dumepensa rin sa anak. Consequently, humingi ito ng public apology mula kay Ellen or else ay sasampahan niya ito ng kaukulang kaso.

Hindi tumalima si Ellen sa pakiusap ni Ginang Santos. Dahil sa pagwawalang-bahala ni Ellen ay tinuluyan siya ng ina ng minor. Tatlong kaso ang inihain nito sa isang korte sa Pasig City kamakailan.

Malaki ang pagkakahawig ng kasong ito sa inilabas na photos ni Ellen na hindi pa pala nakapagsisilang ng anak.

Matatandaang nabalita kamakailan na nagsilang si Ellen sa isang ospital sa Singapore. Pero obviously, based on her Amanpulo photos ay waiting pa rin siya sa petsa ng kanyang panganganak.

Which brings us doon sa dapat lang ay magpaka-consistent si Ellen laban sa mga umano’y stalkers niya o nila ni John Lloyd.

Ito’y sa kabila ng dapat sana’y mas malawak na pananaw ni Ellen na kapwa sila public figures ni Lloydie. By the mere definition of stalking, hindi naman siguro sila sinundan ng menor de edad hanggang pumasok sa restaurant.

Same with kung sinuman ang mga ordinaryong taong nakasabay nila ni JLC na nagbakasyon sa Amanpulo.

Payo namin kay Ellen, isama na si John Lloyd.

Malaki ang kaibahan ng public figure at public property. Hindi sila pagmamay-ari ng publiko sa kabila ng katotohanang mga pampubliko silang pigura.

Even JLC and Ellen deserve privacy. Pero paano nila gugustuhing magpakapribado sa kanilang mga kilos at gawain kung pumupunta sila sa mga pampublikong lugar, na marami ang tiyak na makakakilala sa kanila?

Patawad sa opinyong ito. Ang mga celebrity na rin ang lumilikha ng paparazzi, at least in Philippine setting.

Sa aminin man ni Ellen o hindi, hindi naman siya super katanyagan para buntutan ng paparazzo (singular form ng paparazzi). Nagkataon lang na naiintriga o curious ang tao sa kanya, at bunga na rin ‘yon ng mga ginagawa nila ng kanyang boypren.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …