Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Senatorial bet ng NPC si Bistek?

DAPAT sigurong ihayag ni bagong Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kabilang si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa senatorial candidates ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa darating na 2019 midterm elections.

Nakapagtataka kung bakit hindi binabanggit ni Sotto ang pangalan ni Bistek sa mga tatakbong senador sa kabila ng magandang showing nito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station o SWS.

Ang isa pa, si Bistek ngayon ay kasapi na ng NPC matapos talikuran ang naghihingalong Liberal Party ni dating President Noynoy Aquino. Kaya nga, bakit kung sino-sino pa ang binabanggit na pangalan ni Sotto kahit hindi naman kasapi ng NPC.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, pumasok si Bistek sa ika-14 na puwesto at sa SWS naman ay nasa ika-13 siya. Kung tutuusin, higit na maganda ang ipinakikita ni Bistek sa mga survey kung ihahambing sa senatorial bets ng ruling party na PDP-Laban.

Bilang mayor ng Quezon City, huling termino na ngayon ni Bistek, at masasabing ‘hinog’ na siyang sumabak sa higit na mataas na posisyon gaya ng senador sa darating na eleksiyon sa 2019. Sapat na ang mahabang taon na ipinagsilbi ni Bistek sa QC at sapat na ring batayan ang magandang ipinakikita niya sa mga senatorial survey.

Kaya nga sa mga susunod na buwan, umaasa tayong kabilang na si Bistek sa tutukuyin ni Sotto bilang kandidatong tatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng partidong NPC. Sakaling makalusot, marami ang nagsasabing malaking kapakinabangam si Bistek sa Senado.

Hindi nakapanghihinayang na ‘tumaya’ kay Bistek sa senatorial race kung ikokompara sa mga kandidatong pinangalanan ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na pawang mga “the who” at napakalayo ng mga pangalan sa top 15 resulta ng survey ng Pulse Asia at SWS.

Kailangan na lang ngayon ni Bistek ang higit na agresibong PR group para lalong maging maayos ang propagandang ilulunsad ng grupo sakaling pormal na magdesisyon sa pagtakbo bilang senador sa susunod na pambansang halalan.

Umpisahan na rin ni Bistek ang mag-ikot sa mga probinsiya at kausapin ang mga lokal na lider para mapulsuhan ang takbo ng politika sa mga liblib na barangay. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang bentaha ni Bistek sa mga lalawigan dahil sa pagiging dating artista niya noong panahon na siya ay miyembro ng “Bagets.”

Sabagay, naririyan naman si Ares Gutierrez na tiyak na gigiya sa lahat ng gagawing propaganda ni Bistek. Sayang at wala ang isa pang sparring partner ni Ares na si Porky Porcalla na magandang makasama rin sa kampanya sakaling sumabak na nga sa pagkasenador si Bistek.

Sabi nga ni Imee Marcos, “Puwedeng makalusot si Bistek sa Senado, dating Kabataang Barangay yata ‘yan!”

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *