Saturday , November 23 2024

Optical Media Board sinuportahan ang #PlayItRight ng Globe

NAKIPAGKAISA ang Optical Media Board (OMB) sa Globe para sa kanilang anti-piracy advocacy #PlayItRight. Ito’y pinangunahan ni OMB (ikalawa sa kanan) Chair & CEO Atty. Anselmo B. Adriano kasama sina OMB Executive Director Atty. Victor Padilla II, at Globe Senior Vice President for Content Business Nikko Acosta at Senior Vice President for Corporate Communications, Yoly Crisanto.

IPINAHAYAG ng Optical Media Board (OMB) ang kanilang buong suporta sa #PlayItRight anti-piracy advocacy ng Globe Telecom na layuning mag-educate sa general public laban sa malware, cyber security threats, at access sa illegal digital content at torrent sites.

Ani Globe President at CEO Ernest Cu, ang suporta ng OMB, isang government agency na dedicated sa paglaban sa piracy, ay malaking tulong sa #PlayItRight campaign.

“We are grateful to OMB for recognizing our advocacy on anti-piracy. Our partnership will reinforce our educational drive against the illegal distribution of copy-righted content to a greater reach,” paliwanag ni Cu.

“The internet has become the main source of almost all the copy right infringement content nowadays and we need all the help we can get. We are encouraging the OMB to invite other stakeholders as well such as the cinemas to collaborate with our education drive to target the moviegoers,” dagdag pa ni Cu.

Sinabi naman ni OMB Chair & CEO Atty. Anselmo B. Adriano  na ang pinakamalaking problema ng OMB ay ang malaking market para sa pirated videos dahil hindi alam ng tao kung bakit hindi sila nararapat bumili ng mga pirated.

“In as much as we try to be creative in our enforcement and disrupt the distribution chain and the retail chain for pirated video, there is still a big market for it. This is why we need to target the market through education. This is the reason why we are partnering with other organizations and companies like Globe to push for more education,” tugon ni Adriano.

Makikiisa rin ang OMB sa Digital Thumbprint Program (DTP) ng Globe na nagtuturo para maging responsable sa paggamit ng internet lalo na ang mga bata na nag-aaral sa public school kasama ang illegal downloading ng illegal content online sa training module.

Naging matagumpay ang OMB sa pagtatanggal sa mga bangketa ng mga  pirated movies, music, at software sa DVD nationwide at sa pag-e-educate sa publiko laban sa illegal cam cording sa mga sinehan. Ginawa ng OMB ang Republic Act No. 9239 sa ilalim ng Office of the President na siyang nagre-regulate ng production, paggamit, at pamamahagi ng optical at magnetic media sa bansa.

Sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa global at local content creators at distributors para sa content business, aktibo ang Globe sa pagpo-promote ng legitimate sources ng online content.

Noong 2017, inilunsad ng kompanya ang kanilang #PlayItRight advocacy para tulungan ang entertainment industry curb piracy at para maprotektahan ang intellectual property rights.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *