Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Javier pasadong artista, short film na “Takipsilim” ni Direk Reyno Oposa isasali sa tatlong Int’l Film Festival (Pinay pride sa Osaka, Japan at Amerika)

PURING-PURI ni former entertainment columnist-editor na si kapatid na Ogie Cruz na ngayo’y California based na at teacher doon ang kaibigang pretty deejay-musician na si Liza Javier na naka-based naman sa Osaka, Japan at madalas din nasa Amerika.

Say ni Ogie, asensado na at sikat talaga sa mga kababayan natin si Ms. Liza at ‘yung fans daw niya ay mula sa OFWs, mga professional at mga sosyal. Well, naniniwala kami sa kuwento ng aming colleague kasi bukod sa maganda niyang boses na naririnig sa kanyang top-rating internet shows na “Kalye Solution” sa The Crazy Horse at “Beauty Live” na maririnig sa buong Japan at iba pang panig ng Asya ay classy ang dating ni Liza at pretty kaya’t pasado rin ang popular na TV and Radio personality para mag-artista.

Well, kapag nagka-chikahan kami o chat sa FB ay itatanong namin kay Liza kung willing rin ba siyang pasukin ang showbiz. Basta sa ngayon ay excited siya na tanggapin ang kanyang bagong award sa 17th Annual Gawad Amerika na gagawaran siyang “Mrs Gawad Amerika” at gaganapin ito sa August 8, 2018 sa The Center Burbank Blvd, Hollywood. Personal uling tatanggapin ni Liza ang parangal at makakasama niya sa awardees ang first Pinay actress na naging Best Actress sa Cannes Film Festival na si Ms. Jaclyn Jose.

Iginawad na rin sa nasabing lady deejay singer ang Lifetime Achievement Radio Personality award na Filipinos Pride in Japan and USA sa field of Media. Bilang singer bukod sa kanyang ina-upload na videos sa kanyang social media accounts na inire-record na cover songs ay may gigs rin si Ms. Javier sa mga sikat na Music bar sa Japan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …