Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Pusang ayaw umalis at gustong pumasok sa bahay napatay

Hello po, gud am po,

Nbasa ko po s net ang cp # nyo tungkol s pag-interpret ng panaginip… ngu2luhan lng po aq… ano po kya ibig svhin ng pusa n ayaw umalis at pilit gus2ng pumasok s bahay nmen tpos npatay ko dw po xa. slamat po.

(09971742343)

To 09971742343,

Ang pusa ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, creativity, at power. Ngunit ito ay nagre-represent din naman ng misfortune at bad luck. Ang simbolo ng ganitong bungang-tulog ay may kakaibang kahalagahan depende kung ikaw ay isang cat lover o hindi.

Ang pusa ay maaaring nagpapahayag din na mayroong deceitful o treacherous na balak sa iyo ang iba. Ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nagkakaroon ng suliranin sa iyong feminine aspect. Ang itim na pusa ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng ilang takot at pangamba sa paggamit mo ng iyong psychic abilities at sa paniniwala sa iyong intuition. Posibleng ikaw ay magkamali rin na i-associate ang itim na pusa sa evil, destruction, at bad luck.

Sa nakita mong pusa sa iyong panaginip, makabubuting kilalanin kung ano ang sinasabi ng iyong intuition. Ito ay mahirap mo nang balewalain ngunit hindi ka dapat matakot na harapin ito. Higit sa epekto ng paniniwala ukol sa mga malas na bagay o simbolo, mas manalig sa kabutihan sa ating kapaligiran at sa kapangyarihan ng Diyos.

Kapag naman sa iyong panaginip ay nakapatay ka, ito ay nagsasaad na ikaw ay masyadong stress at ito ay delikado dahil posibleng pagmulan upang mawala ka sa sarili at magalit agad-agad. Kailangang alamin kung kilala mo ang napatay mo sa panaginip at isipin kung ikaw ay may mga nakatagong galit para sa napatay mo. Posible rin na sinusubukan mong patayin o tapusin ang ilang aspekto ng iyong pagkatao na inire-represent ng napatay mo. Maaaring nanggagaling ito sa galit mo, lalo na sa aspektong personal sa partikular na napapa­nagi­nipan mong pinapatay mo.

At dahil nasa sub­con­scious mo ito, kaya nagma-manifest sa iyong panaginip. Maaari rin namang mahilig kang manood ng mga peli­kula o palabas sa TV o magbasa ng mga librong bayolente o maraming patayan, naa-absorb ito ng iyong subconscious kaya nagiging ganyan ang takbo ng panaginip mo. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

SM Only Begotten Son

SM Mall of Asia Opens “The Only Begotten Son” at MOA Sky this Lenten Season

In a season marked by silence, sacrifice, and hope, SM Mall of Asia invites the …

SM Nuat Thai Chagee Tianlala

ALL FOR REAL: Best New Finds in Metro Manila with SM Supermalls

In life, we want nothing more than REALNESS. We cling to those who show true …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …