BAGO CITY, Negros Occidental – Sugatan ang 11 katao makaraan tamaan ng kidlat habang nagrorosaryo sa Bago City, Negros Occidental, nitong Martes ng hapon.
Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nasa loob ng chapel ng Sitio Pandan, Brgy. Ma-ao at nagrorosaryo nang tumama ang kidlat.
Nawalan ng malay ang karamihan sa mga biktima makaraan ang insidente at nagkaroon ng minor injuries.
Sa 11 biktimang tinamaan ng kidlat, siyam ay pawang mga bata.
Ayon sa mga nakakita, tumama ang kidlat sa isang bata na naglalaro ng cellphone.
Hindi nila matukoy kung sino sa mga bata dahil masikip ang kapilya na may 46 tao sa loob.
Ayon sa paring si Arnel Gremio, sila ay nagtipon-tipon dahil sa Flores de Mayo sa kanilang lugar.