Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto
Tito Sotto

Eat Bulaga at ang Senado

MATAPOS maluklok bilang pangulo ng Senado si Tito Sotto, walang humpay na ang mga banat sa kanya. Samot-saring pangungutya ang ipinupukol sa kanya ng maraming tao na sadyang ang taas ng pagtingin sa mga sarili na animo’y napakatatalino, kagagaling at walang naging pagkakamali.

Umuulan nang pang-iinsulto at laging iniuugnay sa bagong hirang na pangulo ng Senado ang mga nakaraang kapalpakan niya at maging ang mga kontrobersiyang kanyang kina­sangkutan. Maging ang koneksiyon niya sa entertainment industry, partikular ang pagiging komikero at host ng Eat Bulaga ay ginawang katatawanan at behikulo para siya tuyain, at sabihing wala siyang karapatang maging lider ng Senado.

Sa ganang atin, bakit ba hindi na lang muna bigyan ng pagkakataon si Sotto na pangunahan ang Senado, tutal naman mismong mga kasamahan na rin niya ang pumili sa kanya para sila ay pangunahan. Maaaring may mga basehan sila kung bakit siya ang kanilang pinilimga basehan na hindi natin nakikita at nasusuri. Kung kaya’t nararapat siguro na bigyan natin sila, higit lalo si Sotto, ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili na karapat-dapat.

Kung dumating ang panahon na magiging palpak ang Senado, magiging tunay na katawa-tawa, hindi si Sotto ang unang dapat sisihin kundi ang mga kapwa niya senador na bumoto sa kanya at maging ang mga ‘di pumabor sa kanya na hindi naging agresibo sa pagkontra sa kanyang pagkakaupo.

Doon natin masasabi na talagang pang comedy na ang Senado, at wala nang ipinagkaiba sa Eat Bulaga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …