Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

14-anyos binatilyo nagsaksak sa sarili (Baby ayaw ipakita ng GF)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 14-anyos binatilyo maka­raan magsaksak sa kanyang sarili nang tumanggi ang 16-anyos karelasyon na ipakita sa kanya ang kanilang anak na sanggol sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Valen­zuela City Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Emmanuel Perez, out-of-school youth, residente sa Northville 1, Brgy. Bignay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Maria Luisa Cassandra Pobadora ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk, dakong 3:00 pm nang umuwi sa kanilang bahay sa  3rd St., Brgy. Marulas ang saksing si Jervy Hernandez nang makita ang binatilyo na nakahandusay sa sahig hawak ang kutsilyo at may sugat sa kanyang tiyan.

Agad humingi ng tulong si Hernandez sa mga pulis na nagsasagawa ng visibility patrol malapit sa naturang lugar at mabilis na isinugod ang biktima sa Calalang Hospital ngunit tinanggihan kaya inilipat sa VCMC hospital.

Ayon sa ulat, nagsaksak sa kanyang sarili ang biktima nang tumanggi ang kanyang 16-anyos karelasyon na ipakita sa kanya ang bagong silang na sanggol na kanilang anak.

Sinabi ng saksi, dakong 2:30 pm kamakalawa ay nag-post sa kanyang facebook account ang biktima at sinabing magpapa­kamatay siya ngunit hindi binanggit kung ano ang dahilan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …