Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sariling bahay sinilaban ng adik (Gustong mamatay)

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang adik sa ilegal na droga makaraan silaban ang kanyang bahay ngunit nadamay ang bahay ng 24 pamilya sa Navotas City, kamakakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Vergel Valera, 34, residente sa Isda St., Brgy. North Bay Boulevard North, nahaharap sa kasong arson.

Batay sa ulat ni arson investigator FO2 Arbie Locahin, dakong 6:30 pm nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng suspek at agad nadamay ang kalapit na ilang kabahayan na pawang yari sa light materials.

Ayon sa kapatid na si Patricia, naabutan niya si Vergel sa loob nang nasusunog nilang bahay.

Aniya, sinabi ng sus­pek na gusto na niyang mamatay ngunit agad niyang itinulak palabas mula sa nasusunog na bahay. Sinabi ni City Fire Marshal Supt. Edwin Vargas, makipot ang lugar kaya nahirapan ang mga bombero na apulain ang sunog na umabot sa third alarm.

Dakong 9:20 pm nang maapula ang apoy at umabot sa P300,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa insidente.

Walang iniulat na namatay maliban sa isang bahagyang nasugatan na kinilalang si Noralyn Fajardo, 63-anyos.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …