Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mall tours ng Warner Music Phils artist na si Nick Vera Perez successful lahat, Queen Rosas very proud sa kaibigang singer

NAG-START ang friendship ng The Singing Nurse na si Nick Vera Perez at OPM Rock Artist na si Queen Rosas nang magkasabay ang dalawa na mag-guest sa isang show sa DZRJ TV. Since din ay hindi na nawala ang com­munication ng dalawa at sa homecoming ni Nick na handog sa kanyang fans ay si Queen ang kinuha niyang front act sa kanyang mall tours.

Lahat ng mall show ng Warner Music Philippines artist (Nick) na inumpisahan sa SM Sucat, Centris Mall at Fisher Mall hanggang sa last leg nito sa Alabang Star Mall kahapon ay dinumog ng fans and supporters ng singer na nasabik sa kanilang idolo.

And in all fairness, lahat ng crowd ay nag-enjoy sa performance ni Nick sa show at malakas ang impact nito sa millennial audience. Maganda rin ang naging pagtanggap kay Queen lalo ng crowd na mahilig sa folk songs.

Inumpisahan na rin ang Campus Tour ni Nick na nominated as “Best New Male Recording Artist” sa PMPC Star Music Awards 2018. Samantala para ma-meet uli ang grupo ng entertainment writers ay inimbitahan sila ni Nick at publicist nito na si Ms. Anne Venancio na magkasama-sama sa grand presscon cum show na idinaos sa Rembrant Hotel sa Kyusi.

Patuloy din ang promotion ng first album ni NVP na “I am Ready.” Professional at top nurse ang nasabing mahusay na artist sa Chicago Illonois. Puring-puri ni Queen ang attitude niya na hindi lang mabait kundi mapagmahal daw sa kanyang mga tagahanga.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …