Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lasing na kasambahay nalunod sa pool

NALUNOD ang isang kasamba­hay sa swimming pool dahil sa matinding kalasingan habang naliligo kasama ang pamilya ng kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Mailin Castillo, 24, stay-in housemaid sa Ca­dorniga St., Brgy. NBBS, Navotas City.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo Germinal II, dakong 10:40 pm nang malunod ang biktima sa Costiera Resort sa Sioson St., Brgy. Dampalit, Malabon City.

Kasama ang biktima sa outing ng pamilya ng kanyang amo na si Flor Fajardo, 45, sa naturang resort.

Ngunit habang masayang nag-iinoman at nagkakantahan sa videoke ay nagtungo ang lasing na si Castillo sa swimming pool upang maligo.

Makaraan ang ilang saglit ay  nagulantang ang pamilya nang makitang nakalubog na sa tubig ang kasambahay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …