Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, papasanin ang buong mundo para kay Jen

KAARAWAN ni Jennylyn Mercado noong May 15 at ang birthday wish niya ay,”Basta huwag lang akong magkasakit. Maging healthy lang kami palagi.

“Kasi mag-isa lang ako eh, so ayokong nagkakasakit para sa family ko kasi mahirap maging single mom. Kailangan laging healthy.”

Ano naman ang pina-espesyal na regalo ang natanggap niya?

“Siguro enough na sa akin ‘yung magkakasama kaming lahat, masaya na ako roon. Espesyal na ‘yun.”

Wala bang materyal na regalo sa kanya si Dennis Trillo?

“Mayroon pero sa amin na lang ‘yun,” at tumawa si Jennylyn.

Ayaw ding sabihin ni Jennylyn kung ano ang regalo niya kay Dennis na nag-birthday naman noong May 12.

Nakausap namin si Jennylyn sa taping ng The Cure ng GMA (na pinagbibidahan nila ni Tom Rodriguez) sa Golden Hills sa Antipolo kamakailan.

Kakagaling lang nina Jennylyn at Dennis sa bakasyon sa Balesin. Apat na araw sila roon.

Doon nga kuha ang lirato sa Instagram ni Dennis na pasan nito si Jennylyn sa tabing dagat at may caption na, “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sayo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito Maligayang Kaarawan mahal ko.”

Maraming netizens ang kinilig sa napaka-sweet na post na iyon ni Dennis.

Kahit si Jennylyn ay kinilig doon.

“Oo naman.”

May mga nagsasabi na sobrang sweet at vocal ni Dennis ngayon, maging si Jennylyn.

“Ganoon pa rin naman ako, pareho pa rin, wala namang ipinagbago,” sinabi pa ni Jennylyn.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …