INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senador Edgardo Angara sa loob ng kanilang compound sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora kahapon.
Pumanaw ang dating Senate President sa edad na 83 noong 13 Mayo.
Ayon sa anak na si Senador Sonny Angara, ipinagmamalaki niya ang kanyang ama sa mga nagawang batas na kinabibilangan ng Free School Act, Senior Citizen’s Act at mga batas na lumikha sa Technical Education and Skills Development Authority at Commission on Higher Education.
(CYNTHIA MARTIN)