Friday , November 15 2024

‘Kapatiran’ ng QC, Davao palalakasin

PALALAKASIN ng pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang ugnayan/kapatiran o ang ”sister city agreement”  sa Lungsod Davao, ang lugar ni Pangulong Duterte.

Palalakasin? Ibig sabihin kung sinasabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na  palalakasin ang “pagkakapatiran” ng dalawang malalaking lungsod,  ay dati nang may pinagkasunduan ang Kyusi at Dabaw.

Tama! Mayroon na ngang kasunduan, at ito ay noong panahon ni dating QC Mayor Ismael Mathay Jr., at ni dating Davao Mayor Rodrigo R. Duterte, ang Pangulo ng bansa ngayon. Kapwa nilagdaan ng dalawang lider noong 12 Oktubre 1994 ang kasunduan.

Lamang, mayroong pagkukulang ang kasunduan. Bakit? Kasi, ito ay ayon kay Bise Belmonte ha at hindi tayo ang nagsasabi. Ang kasunduan ay hindi pinagtibay ng Sangguniang Panglungsod noon. Ganoon ba? So, peke siya? Hehehe… hindi naman kung hindi legit naman. Nang-intriga pa ano?

Ano pa man, ang kasunduang ito ay mapalalakas na o palalakasin na ng QC govern­ment. Sa paanong paraan. Yes, ito ay dahil suportado na ng Sangguniang Panglungsod.

Pero ang tanong, makikinabang nga ba ang mamamayan ng lungsod sa kasunduang ito? Sa anong paraan kaya, Bise? Hindi naman siguro papasukin ng Bise ang kasunduan kung hindi ito pakikinabangan ng QC lalo ng mga mamamayan ng lungsod.

Anyway, mapalalakas na ang kasunduan dahil nga suportado na ng Sanguniang Pang­lungsod.

‘Ika ni Belmonte, tumatayong presiding officer ng Sangguniang Panglungsod, mapalalakas ang kasunduan makaraang maghain ng draft resolution si 3rd District Councilor Gian Carlo Sotto. Layunin ng resolution ni Sotto na muling itaguyod  ang sister city agreement ng dalawang lungsod.

”I believe the re-establishment of our sister city partnership with Davao City will boost our socio-cultural, trade and economic development,” pahayag ng bise alkalde. Nitong nakaraang Miyerkoles, ang Bise ay bumisita sa Davao City.

Sa pagbisita, nakita ng Bise na maraming matututuhan ang lungsod Quezon sa Davao City sa larangan ng pamamahala, disaster manage­ment, transportasyon, turismo, edukasyon, teknolohiya, at iba pa.

Ibig sabihin pala nito, sa kabila ng lahat – nang mayroon ngayon ang QC, ang number one city na may pinakamalaking kita, marami pa palang dapat na matutuhan o wala nito ay mayroon sa Davao. Ganoon ba iyon? Tsk tsk tsk…akala ng marami, kompleto na ang Kyusi pero marami pa palang dapat gawin ang mga lider ng lungsod para sa mamamayan nito.

Pero maganda iyan, kung baga sa tao hindi natatapos ang edukasyon sa pagkakaroon ng diploma at sa halip, kinakailangang mayroon tayong mga dagdag kaalaman sa araw-araw.

QCPD PS 5,
24/7
NAKAALERTO
VS KRIMEN

MASASABI kong hindi nagkamali ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagbibigay ng “break” kay Supt. Benjamin Gabriel para pamunuan ang Fairview PS5 bilang station commander. Bakit?

Simula nang maupo si Gabriel sa singko, malaki ang ibinaba ng krimen sa area of responsibility ng estasyon lalo sa mga lugar na itinuturing na ‘paboritong tambayan’ ng masasamang elemento, holdaper, tulak at iba pa.

Malaki ang ibinaba ng krimen sa AOR dahil sa mahigpit na pagbabantay ng tropa ni Gabriel bilang tugon sa direktiba ni QCPD Director, Chief  Supt. Joselito Esquivel.

Kaliwa’t kanan ang operasyon ng Fairview PS5 laban sa mga drug pusher/addict. Siyempre, sa pagkaaresto ng mga tulak/adik, bumaba ang krimen dahil sila-silang mga adik/tulak ang nasa likod ng mga krimen, holdapan sa ilang AOR ng PS5.

Kamakailan nga e, pinatunayan ni Gabriel sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan na laging nakaalerto ang estasyon. Nang  lumapit sa estasyon nitong 17 Mayo 2018 (daong 2:45 am) si Mariel Tanay matapos  holdapin ng riding-in-tandem sa Dahlia St., Brgy. Fairview, QC, agad nagresponde ang tropa ni Gabriel — naglatag ng mga checkpoint sa posibleng daanan ng mga suspek.

Ilang minute lang, namataan ng mga tauhan ni Gabriel sa Tactical Motorized Riders (TMR) ang suspek sa Neopolitan Site, Brgy. Greater Fairview. Pinatatabi ang suspek pero imbes sumunod, pinaputukan niya ang tropang TMR kaya nagkaroon ng shootout na nagresulta sa pagkamatay ng holdaper.

Nito namang Sabado, lumapit kay Gabriel ang minor (kasama ang magulang)  na hinalay ng tiyuhing ret. US Navy. Hayun, nadakip agad si Manuel Llara sa bahay nito. Papatakas na sana ang retiradong US Navy. Mabuti na lang at mabilis na nagresponde ang PS 5.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *