Thursday , December 26 2024

Iloilo at Cavite, bukas na sa aplikasyon ng STL

MULING ibinukas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga probinsiya ng Iloilo (hindi kasama ang Iloilo City) at Cavite para sa panibagong aplikasyon ng Small Town Lottery o STL makaraang tsugihin ang mga Authorized Agent Corporation (AAC) dahil sa mga paglabag sa Implementing Rules and Regulations (IRR).

Para sa kaalaman ng publiko, isang ACC lamang ang puwedeng maglaro sa isang probinsiya at isang Chartered City. Kapag dalawa ang AAC na naglalaro ng STL sa bawat lugar, malamang ilegal ang isa, o puwede namang ilegal pareho kung wala pang idininedeklarang awtorisadong AAC sa lugar.

Simple ang rason kung bakit tsugi ang isang AAC sa lugar, dahil malamang may mga nagawa itong paglabag sa STL-IRR gaya ng hindi pagsusumite ng tamang Presumptive Monthly Retail Receipts (PMRR) o ingreso (revenue collection); paggamit ng STL bilang front ng ilegal na sugal gaya ng jueteng at iba pa; simpleng hindi pagsunod sa ‘di pagsuot ng tamang uniporme at identification card habang nasa trabaho; pagpapataya sa mga menor de edad; at iba pang kaugnay na paglabag.

Dahil nagiging “lucrative business” na ang STL, parami nang parami ang naghahangad na makakuha ng awtorisasyon mula sa PCSO. Ang lahat ng mga aplikante ay dumaraan sa proseso hanggang sa dumating silang lahat sa harap ng mesa sa pamamagitan ng public bidding. Siyempre, kung ang isang korporasyon na naghahangad maging STL agent kahit highest bidder pero matutuklasan na may criminal record, kahit isa lamang sa miyembro ay tiyak na matutsugi.

Siyanga pala, pumalo na sa P20.8 bilyon ang kinita ng PCSO mula Enero hanggang Abril mula sa mga lottery game nitong Lotto, Digit Games, Keno, Sweepstakes at siyempre, ang umaarangkadang STL. Sa kabuuang kinita, halos P8 bilyon ang kontribusyon ng STL.

Ang sabi nga ni PCSO General Manager Alexander Balutan, kung magpapatuloy ang ganitong ipinapakitang interes, pagtitiwala at pagtangkilik ng gaming public, konserbatibo na ang halagang P55 bilyon na kikitain ng ahensiya sa taong ito. Baka nga lagpas P60 bilyon pa.

Nagsimulang umarangkada ang STL noong huling yugto ng 2016 pag-upo ni Balutan bilang general manager ng PCSO. Dinamihan ang bilang ng AAC mula 18 at naging 37 sa pagtatapos ng taon. Ang dating P4.7 bilyon kada taon na kinikita ng STL sa dalawang nakaraang administrasyon, naging P6.7 bilyon sa pagtatapos ng 2016.

Mas dumami ang AAC pagpasok ng 2017 na umabot hanggang 84 ang aktibong naglaro ng STL at tumabo nang halos P16 bilyon sa pagtatapos ng taon.

Sa kasalukuyan, 81 AAC ang aktibong naglalaro ng STL sa buong bansa at may mga bukas pang probinsiya at Chartered City na dapat malagyan ng STL.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *