KAPWA sugatan ang mag-ama makaraan atakehin ng buwaya sa Balabac, Palawan, nitong Sabado ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, inaayos ni Karik Buara, 15-anyos, ang kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Brgy. Salang nang sagpangin siya ng isang malaking buwaya.
Narinig ng ina ni Karik ang pagsigaw niya ng saklolo kaya agad tinungo ang ama ng binatilyo na si Rosmin para iligtas ang biktima.
Lumangoy si Rosmin patungo sa buwaya at sinaksak ito sa mata kaya nabitiwan nito si Karik.
Ngunit nasugatan din si Rosmin dahil sa pag-atake ng buwaya habang sinasaklolohan ang anak.