Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KARLA ibinuking: Daniel at Kathryn, pinag-uusapan na ang kasal

NOONG Sabado’y isa kami sa nakasama para sa set visit ng shooting ng pelikulang ginagawa at pagbibidahan ni Karla Estrada, ang Familia BlandINA sa Plaridel, Bulacan handog ng Artic Sky Production at pinamamahalaan ni Direk Jerry Lopez Sineneng.
Sa pakikipag-usap namin kay Karla, walang kaabog-abog na nasabi nitong pinag-uusapan na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ukol sa kasal.
Bale ba, gagampanan ni Karla sa Familia BlandINA ang isang inang may mga anak na blonde na haharap sa iba’t ibang hamon ng buhay.  Makakasama niya rito si Jobert Austria (bilang pangalawa niyang asawa), at mga anak na sina Marco Gallo, Xia Vigor, gayundin sina Marissa Delgado, Buboy Garovillo at marami pang iba.
Ani Karla, nakatatawa ang pelikula ngunit kukurot sa puso ng bawat indibidwal dahil sa madramang tagpo lalo na sa mga nanay na handang isakripisyo lahat para sa kanilang mga anak.
Naikuwento rin ni ng tinaguriang Queen Mother na may special appearance sina Daniel at Kathryn. Roon niya ibinuking na sa tagpong iyon pinag-usapan nina Daniel at Kathryn ang ukol sa kasalan kaya naman tiyak na marami ang matutuwa.
Ang Familia BlandINA ang next movie project ni Karla matapos ang matagumpay na 2017 Metro Manila Film Festival entry, The Revengers nina Vice Ganda, Daniel, at Pia Wurtzbach.
Naikuwento pa ni Karla na malaki ang pasasalamat niya kay direk Jerry dahil siya ang only at first choice sa pelikula. Bale ang Familia BlandINA ay konsepto ng prodyuser nitong si Dr. Dennis Aguiree, isang Opthalmologist at nagmamay-ari ng Arctic Sky Productions.
Samantala, naihayag naman ni Direk Jerry na halos kalahati na ang nakunan nila na tamang-tama at posibleng maihabol ang showing bago magpasukan sa Hunyo.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …