Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lapus, grateful makatrabaho sina Piolo, Arci, at Direk Antonette

MASAYA si John Lapus sa kanyang pagbabalik-teleserye via Since I Found You na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz. Nagpapasalamat si John sa Dreamscape, sa kanyang co-stars, at sa kanilang direktor na si Antonette Jadaone sa ibinigay sa kanyang oportunidad na muling sumabak sa teleserye.

“I’m so thankful sa Dreamscape for giving me this show (Since I Found You) and the opportunity to work with Piolo and Arci for the first time.

“Ako ko po rito si Kap Wata, ang baranggay captain na uncle ni Arci Muñoz na kinokonsinti ang kanyang mga gawain. Kontrapelo ako ng nanay niya na Ate ko played by Ms. Carmi Martin. Masaya ang mga eksena naming tatlo. Kahit lumaking walang tatay si Dani (Arci), ako na ang tumayong tatay niya.

“I’m also grateful to be directed by Direk Antonette Jadaone for the first time. More than one year na ang last soap ko sa ABS (Doble Kara), kaya excited akong magtrabaho ulit. Sulit naman ang paghihintay kasi primetime ang Since I Found You at napakaganda ng role na ibinigay sa akin. Lagi n’yo sana po itong tutukan gabi-gabi sa ABS CBN Pritime pagkatapos ng Bagani,” saad ni John.

Since first time mo silang nakatrabaho, ano’ng masasabi mo kina Piolo, Arci at Direk Tonette? Tugon niya, “Piolo is like a little brother to me. Tulad ko, galing din siya sa Teatro Tomasino (The University Wide Theater Guild of UST). Bata pa lang siya magkaibigan na kami. I’m so happy na sa wakas, nakakatrabaho ko na siya. Aliw na aliw ako kay Arci, walang arte sa katawan. Napakaganda, pero napakasarap katrabaho.

“Siyempre sa una nakaka-tense ka-work ang box office director na si Direk Antonette. Kaya naman nag-e-effort ako sa mga eksena ko para hindi naman ako mapahiya. Sana maka-work ko rin siya sa pelikula. So proud of her kasi naka-work ko na siya noong apprentice pa lang siya ni Direk Joyce Bernal. Ngayon, isa na siyang palong-palong writer at direktor. Mahusay!”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …