Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique Gil may bagong partner sa Bagani, LiZQuen kalmado

KAHIT pasulpot-sulpot ang karakter ni Liza Soberano bilang si Ganda sa top-rating drama-fantasty series na “Bagani” ay chill and relax sa panonood ang hukbo-hukbong LizQuen fans dahil confident silang lahat na hindi mawawala sa show si Liza at busy lang sa Darna na inaabangan na rin ng lahat.
Ngayong pahinga muna si Ganda at hindi naman lumamlam ang show dahil bukod sa gabi-gabing nakikita ang lider ng Bagani na si Lakas (Enrique Gil) ay nariyan din sina Matteo Guidicelli, Makisig Morales, Zaijan Jaranilla, Aiko Melendez, Kristine Hermosa, Dimples Romana at tila bagong mukha na ipina-partner muna kay Enrique na from Star Magic na si Charlie Dizon.
Ginagampanan ni Charlie ang karakter ni Marikit at agad naman siyang nagustuhan ng TV viewers sa kanyang performance sa serye. Mukhang magiging miyembro rin ng Bagani si Marikit at lalong magiging malakas ang impact niya ‘pag nagkataon. Napapanood gabi-gabi ang “Bagani” pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN primetime block.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …