Cesar, dapat pairalin ang delicadeza (2 beses nang nasabit sa alingasngas)
Ronnie Carrasco III
May 21, 2018
Showbiz
DAHIL sa umano’y alingangas na kinasangkutan ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kaugnay ng milyong halagang advertising contract sa PTV 4, agad siyang pinalitan ni Bernadette Romulo-Puyat.
Nasa gitna naman ng imbestigasyon sa nasabing kagawaran si Cesar Montano, bagay na hindi na bago sa ating pandinig sa pinamumunuan niyang sangay ng DOT na sa larangan naman ng promosyon nito nalilinya.
Matatandaang ilang buwan pang lang ang nakararaan ay nagbitiw na ng mahabang litanya ng kanyang reklamo siMarlene Aguilar, mas batang kapatid ni Ka Freddie, laban sa acktor.
Sa aming pagkakatanda’y hindi ‘yon sinagot ni Cesar gayong kung tutuusi’y matitindi ang mga banat ni Marlene na maaari niyang ikademanda. Simple lang naman kasi ang hinihingi ni Marlene mula kay Buboy (palayaw ni Cesar): ipaliwanag ang mga paratang sa kanya.
Panahon ni Tulfo-Teo nang maglabasan ang mga ganitong reklamo. Tila ipinagkibit-balikat lang ni Gng. Teo ang dapat sana’y inaksiyonan niya.
Pero iba na nga ang pamunuan sa DOT. Ang bagay na noo’y nakuhang palampasin sa kung anong obyus na kadahilanan ay muling kinalkal.
Sa tanggapin ng mga mamamayan o hindi’y malaki ang paghanga nila sa administrasyong humalili sa Aquinoleadership. Pinatunayan kasi ni Pangulong Digong Duterte na kahit ang lantaran at aktibo niyang campaign supporter na sabit sa umano’y puwestong pinaglagyan sa kanya ay sinibak niya sa tungkulin.
Hindi man sibakin ni Digong sa puwesto’y kabilib-bilib din ang pagtanggap niya ng mga kusang-loob na pagbibitiw nito, as in the case of Wanda Teo, without second thoughts.
Ewan nga lang kung bakit sa tila lahat yata ng mga nabubutasan ng umano’y korupsiyon, tanging si Montano lang ang hindi pa nasasampolan.
Pero kung ganyan din lang na inirereklamo si Cesar—not once but twice—delicadeza na naman ang siyang magdikta sa kanya kung anong disenteng hakbang ang dapat niyang gawin.
And that is, to pack his things and leave his office.
ASAP.
Nasa proseso pa naman kung saan iniimbestigahan si Cesar ng DOT, nasa kanya ‘ika nga ang burden upang linisin ang kanyang imahe at patunayang isa siyang bahid-dungis at mapagkakatiwalaang tauhan ng pamahalaan.
Harinawa’y makailag si Buboy sa putik na ibinabato sa kanya. Kung paano’y hindi namin alam.
One thing’s for sure, kung kunsumido si Cesar sa mga kaganapan sa kanyang buhay bilang taong gobyerno, kabaligtaran ‘yon ng takbo sa buhaydating karelasyon na si Sunshine Cruz.
Ang karma…bow!