Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brav Barretto ibi-build-up ni Direk Reyno na tipong Kristoffer King

Dahil sa alagang-alaga siya ng kanyang mentor-director na si Direk Reyno Oposa ay malaki ang chance na makilala in the near future ang mahusay na newcomer actor na si Brav Barretto na ang baptism of fire ng career sa showbiz ay indie film na “Agulo: Hinagpis Ng Gabi, produce at idinirek ni Oposa.
Kuwento ni Direk Reyno, nang amin siyang maka-chat two nights ago, napakabait daw na bata ni Brav at seryoso sa kanyang craft na as a first timer ay mahusay nang umarte at propesyonal pagdating sa trabaho.
Nang maka-eksena raw ni Brav ang isa sa kanyang lead actors sa Agulo na si Kristoffer King ay nakita niya ang potential nito na puwedeng sumunod sa yapak ni Kristoffer na nakilala internationally at nagkaroon ng international award.
Kaya hindi pa man naipalalabas ang unang indie movie na Agulo na magkakaroon ng advance international screening sa ilang selected cinemas sa Toronto ay bibida si Brav sa short film ni Direk Reyno na Bulong (Whisper), makakasama niya ang co-actor sa Agulo na si Khristian Michael Villanueva.
Ang plot ng story o storyline  ay tungkol sa child abuse na ni-rape ng kanyang stepfather. Pang-award daw ang pelikula at malay natin, baka magkaroon agad ng acting nomination dito si Brav. Ang Bulong ay isasali ni Direk Reyno sa ilang International Film Festival.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …