Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Koreano itinumba sa Caloocan

PATAY ang isang Ko­rean national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng isang resort sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Kim Woon Ohm, nasa hustong edad.

Habang pinaghah­a-nap ng mga awtoridad ang mga suspek na tuma­kas sakay ng isang itim na van makaraan ang pa­mamaril.

Batay sa inisyal na ulat ng Police Community Precinct 6, dakong 9:00  pm, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang  shooting inci­dent sa Novahills Sub­division, Brgy. 171, Bagumbong.

Nang magresponde ang mga pulis, natag­puan nila ang duguang Koreano sa madilim na tapat ng gate ng Gubat sa Ciudad Resort kaya agad nilang dinala sa paga­mutan.

Sa kuha ng CCTV, makikitang ibinaba ang Koreano ng isang black na van at saka pinagbabaril.

Narekober sa biktima ang kanyang wallet na may lamang P4,750 cash, Korean driver’s license, credit card at City of Dreams room card.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …