Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Australiano 2 beses nanalo sa lotto sa isang linggo

HINDI hindi makapaniwala ang isang lalaki mula Sydney, Australia nang mabatid ni­yang nanalo siya sa lotto sa ikalawang pagkakataon, wala pang isang linggo mula nang una siyang manalo.

Ayon sa ulat, unang napanalunan ng 40-anyos lalaki, ang halagang A$1,020,487 o halos P40 milyon noong nakaraang Lunes.

Noong Sabado, napa­na­­lunan naman ng lalaki ang halagang $1,457,834 o halos P57 milyon.

“I just thought this is too good to be true,” sabi ng lalaki sa panayam ng NSW Lotteries nitong Lunes.

“The chances of winning twice in such a short period of time must be non-existent. I wish I had some advice to others on how to win the lottery but I don’t,” dagdag niya.

Balak ng lalaki na gamitin ang bahagi ng kaniyang napanalunan sa real estate sa Sydney, bagong sasakyan, at bakasyon sa Hawaii.

Ayon sa mga taga­pangasiwa ng lotto sa Australia, mahirap tanti­yahin ang posibilidad na ang isang tao ay mananalo ng dalawang beses sa loob ng isang linggo.

“We have had people win twice in their lifetime but not twice in a week. It is very unusual and unique,” ayon kay NSW Lotteries spokesman Matt Hart.

(Agence France-Presse)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …