MAHIRAP at malungkot ang pinagdaraanan ni Marlo Mortel ngayon.
Si Marlo kasi ang sumusuporta sa kanyang ina na may sakit na breast cancer, stage 4.
Solong anak si Marco at ang ama niya ang nagbabantay sa ina niya.
Linggo-linggo ay nagpapa-chemotherapy treatment ang 49-year-old mother ni Marlo sa National Kidney and Transplant Institute.
“Hindi siya bedridden, pero nag-drop na sa 40 kilos ang weight niya. Sobrang payat na niya.”
Pagpapatuloy pa ni Marlo sa kondisyon ng kanyang ina, ”Hindi po good, eh. Kumbaga nag-spread pa lalo.
“Nag-start sa breast and then bumalik last year, may tumubo behind the heart, na biglang lumobo ang face niya out-of-nowhere kasi ‘yun pala naipit na ‘yung mga ugat niya sa loob.
“So, parang ang puwede na niyang ikamatay noon ay heart attack.
“So ang nangyari, in-open heart surgery, tinanggal, may mga naiwan tapos mas lumala, umumbok ‘yung bukol.”
Hindi na puwedeng operahan ulit ang ina niya kaya nagpapa-chemo ito para paliitin ang bukol.
Taong 2014 unang na-diagnose na may kanser ang ina ni Marlon.
Ayaw mag-isip ni Marlo ng anumang negatibo.
“Ayokong isipin. Hindi ko kaya, umaasa pa rin ako na gagaling siya,” sabi ng binata.
Last year ay gumawa pa si Marlo ng benefit show para sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina.
“Kasi wala ng ipon, naubos na. ‘Yung benefit show, okay naman guest sina Maymay Entrata, Jed Madela, marami naman.”
Aminado si Marlo na may mga pagkakataong pinanghihinaan na siya ng loob.
“Madalas pinanghihinaan ako ng loob pero mas lalong hindi puwede kasi paano ‘yung mga babayaran, paano ‘yung mommy ko, mawawalan din ng lakas ng looob ‘pag ako nawalan din ng lakas ng loob.”
Kaya hindi na lang ipinakikita ni Marlo sa ina kapag umiiyak siya.
Co-managed na ngayon si Marlo ng Star Magic at ni Jonas Gaffud ng Mercator Model & Artist Management. Plano ni Jonas na mas i-push pa ang pagiging recording artist ni Marlo.
Regular na napapanood si Marlo sa Umagang kay Ganda sa ABS-CBN at nakasulat siya ng kanta para sa ina, ang I Pray.
Rated R
ni Rommel Gonzales