NAKIISA ang aktres na si Lotlot de Leon sa idinaos na Balik Eskwela sa Payatas 2018 sa Payatas B Covered Court, Quezon City noong May 8.
May 600 estudyante mula Grade 1 to Grade 6 ang nabigyan ng school bags at school supplies, pagkain at mineral water sponsored by Gate of Assets at ng Hallo Hallo Home, Inc. Philippines in cooperation with Bright Light for Life Foundation, Inc. sa pamumuno ni Mr. Jun Esturco.
Ang Hallo Hallo Home, Inc. naman ay pinangungunahan ng kanilang President na si Mr. Zukky Suzuki, at ang kanilang team (Hallo Hallo Home, Inc. Japan and Hallo Hallo Inc. Philippines) ay binubuo nina Ms. Yoriko Higashi, Mr. Takurou Hidaka, Ms. Miko Lida, Ms. Mari Kanda, Ms. Kimiyo Kondo, Mr. Jun Esturco, Mr. Tesuya Yamashiro of BLD. Planner, and Japanese model/actress Hiro Nishiuchi.
Dumalo at nagbigay din ng entertainment bukod kay Lotlot ang Century Tuna Superbods Grand Winner na si Maureen Montagne, si JR Versales, at Mr. Joshua Zamora. Nagsilbing hosts naman sina Shalala at Faye Esturco.
Kaisa rin sa event sina Barangay Secretary Marlene de Guzman, Pearl Beria, Faye Esturco, mga Barangay officers at ang grupo ng mga youth volunteers mula sa Payatas.
Rated R
ni Rommel Gonzales