Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, magandang endorser ng pagpaplano ng pamilya

MAGANDANG gawing tagapagsalita—kundi man endorser—ang nasa kagampan ngayon na si Heart Evangelista tungkol sa kung paanong planuhin ang pagkakaroon ng pamilya.

Matatandaan na noong panahon ng nasirang Pa­ngulong Marcos, maging ang temang isinusulong noon sa mga pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival ay tumatalakay sa family planning at birth control.

Ang RH o Reproductive Health bill din ay nag-e-educate sa mga mamamayan kung ano ang wastong para lalong matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilyang Pinoy.

Tatlong taon din buhat nang ikasal kay Senator Chiz Escudero ang ipinaghintay ni Heart para handa na niyang yakapin ang bagong yugto sa kanyang buhay. Nasa unang trimester ng pagbubuntis ang Kapuso actress sa kasalukuyan.

Dumating na nga para kay Heart ang panahong handa na siyang maging isang ganap na ina.

Bagama’t hindi pa siya sumasailalim sa ultrasound para mabatid ang kasarian ng kanyang dinadala sa sinapupunan, nakakatutuwang malaman (isa kami sa mga masaya sa pagbubuntis ng dati naming nakatrabaho saStartalk) na mga bagay o pagkaing puti ang napa­glilihian ni Heart.

Itlog, white bread, mayonnaise ay ilan lang sa mga hilig niyang lantakan. Allergic naman siya sa amoy ng ilang pabango. Ngunit ang ipinagtataka ni Chiz, kering-keri ng kanyang maybahay ang stage ng pregnancy malayo sa kanyang inaasahan mula sa mga karaniwang pregnant women.

‘Yun nga lang, kailangan munang isantabi ni Heart ang kanyang mga gawain—kabilang na ang kanyang passion sa pagpipinta—para bigyang-daan ang kanyang paghahanda to motherhood.

Mukhang maisasakripisyo rin ni Heart ang showbiz, pero hindi naman ‘yon matatagalan.

At tulad ng sinumang first-time celebrity mother ay tiyak na dadagsain siya ng mga offer para gumawa ng patalastas kasama ang kanyang baby, and possibly with Chiz.

Hindi pa man ay tiyak kaming magiging isang mahusay at hands-on mom si Heart. Eh, kung hindi ba naman, ang turing niya sa mga anak ni Chiz ay parang mga supling na rin niya. ‘Yun pa kayang kaputol ng kanyang pusod?

Muli, ang aming kagalakan sa pagbubuntis ni Heart na tiyak na maraming physical features ang mamanahin sa kanya. Not to mention ang maganda niyang pag-uugali.

Pak!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …