Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lucky charm ni Alden, wala na

MARAMI ang nakapupuna na mukhang nawala ang lucky charm ni Alden Richards, si Maine Mendoza. Buhat nang mawala si Maine sa piling ng actor mukhang hirap ang Kapuso sa paghahanap ng babaeng lalong makapagpapa-shine sa kanyang career.
Ikinakabit ngayon si Alden kay Bea Binene at hintain natin kung magki-klik ang tambalan nila.

Salitang Amen, ‘wag gawing katatawanan
SANA huwag gawing katatawanan ng grupong mga sanggano ni Jhong Hilario ang salitang Amen. Sagradong salita ito para sa isang grupo ng mga relihiyosong tao.
Ginagawa nilang katatawanan para makataas ng rating sa seryeng Ang Probinsyano. Huwag gawing biro dahil baka bumuka ang lupang kinatatayuan sa eksena.
Tanong ng televiewers, bakit ganoon kadali para mapasok nina Jhong ang pribadong kinaroroonan ni Rey PJAbellana na gumaganap bilang isang punong ministro. Wala bang guardia ito? At paano nakapasok ang mga may baril?
Matatalino na ang mga tagahanga ngayon at hindi na puwedeng kahit anong eksena ay palusutin.

Martin Escudero, itatampok sa Ang Misyon: A Marawi Siege Story
MASUWERTE si Martin Escudero na tampok sa pelikulang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na idinirehe nina Cesar Soriano at Dave Cecilio. Sa rami kasi ng mga actor na puwedeng gumanap ditto, bukod tangi siyang napili.
Kinunan ito sa Marawi at mapapanood kung gaanong hirap ang inabot ng mga sundalo para maipagtanggol ang Marawi.
Mapalad ding napili itong tulungang i-release ng ABS-CBN kung kaya’t  puwedeng ipalabas sa mga sinehan sa May 30. Sa May 25 ang premiere nito sa Dolphy Theater.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …