ISA sa highlight ng gaganaping Ignite concert ni Regine Tolentino sa May 26, 2018 sa Sky Dome sa SM North EDSA ang star-studded na production number na ang isa sa kasali ay si Ynez Veneracion.
Kaya kinumusta namin si Ynez kung gaaano kahirap i-mount iyon at nakapag-practice na ba sila nang kompleto? Sagot ni Ynez, “Nakapag-practice kami ng kompleto, hindi naman masyadong mahirap kasi lahat sila magagaling. Lahat sila, isang turo, dalawang turo, nakukuha na agad nila. Tsaka lahat sila mababait, masyadong cooperative silang lahat.
“Yes, isa ito sa highlight ng concert ni Regine, women empowerment kasi ‘yung theme nito.”
Sobrang sexy daw ng costume ninyo rito? “Oo, hot and sexy ‘yung costumes namin dito, hahaha! Pero sabi, shut-up daw muna kami para at least, medyo surprise. Pero sabi naman kasi ni Regine, kami ‘yung bahala sa style na gusto namin. Kung gusto mo ng nipple tape, e ‘di nipple tape lang. Why not?
Ano’ng feeling na mukhang wala ka pa rin anak, sa figure mo? “Ay salamat. Kailangan kasi natin alagaan ‘yung sarili natin. Katulad ng sabi ni Ms. Reg kanina ‘di ba, kapag aging na, medyo mahirap-hirap na. Dati kasi, kahit kumain ka nang marami, ‘yung metabolism natin ay mabilis, kasi bata pa tayo. Ngayon, 37 na ako, so medyo bumabagal ang metabolism. So, kailangan ng kaunting suporta tulad ng work-out, tapos diet, ‘yun ‘yung ginagawa ko.”
Ilan sa guests dito’y sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Marissa Sanchez, Andrea del Rosario, Madelle Paltuob, Zeus Collins, Gem Ramos, Leah Patricio, Sheng Belmonte, Jenny Miller, Alyna Velasquez, Che Che Tolentino, Luningning, Mariposa, Zara Lopez, Dasuri Choi, Cherry Lou, Sheree, Saicy Aguila, at Ara Mina.
Kasama sa repertoire ni Regine ang mga kanta at sayaw ng mga divas at idol niyang sina Jennifer Lopez, Beyonce, Lady Gaga, Madonna, at Britney Spears.
Tampok sa Ignite concert ang electrifying production numbers na choreograph ng magaling na Speed Dancers’ dance director na si Egai Bautista at tampok ang fabulous costumes designed ni Regine and style ni Neil Lorenzo. Ito ay mula sa direksiyon ng best friend ni Regine na si Dave Fabros.
Nick Vera Perez, humahataw sa kaliwa’t kanang mall tours
ABALA ngayon ang Warner Music recording artist na si Nick Vera Perez sa kanyang mall tours sa bansa. Tinagurian siyang The Singing Nurse from Chicago, Illinois dahil isa siyang registered nurse sa Sinai Hospital sa naturang lugar.
Humahataw si Nick sa kanyang NVP Philippines 2018 I Am Ready Album mall Tours na nagsimula nang dumating siya last May 10. Dito’y agad sumabak si Nick sa kanyang unang mall show sa SM City Sucat at sa Centris Shopping Center. Ang iba pa niyang mall shows ay sa Fisher Mall, Farmers Mall, Sta. Lucia Mall, SM Novaliches. Ginanap din ang kanyang exclusive event para sa NVP1 World Homecoming sa Rembrandt Hotel, na higlight ang yearly search ng Ms. NVP1 World Queen 2018.
“Puro mall shows, kasi I don’t believe in fast track na fame, e. Gaya sa Nursing, some people would like to be called CEO right away and then at a young age, they look like foolish, correct?
“Sa akin I like to slow down sa showbiz, don’t hurry. If it comes to you, it comes to you. If it doesn’t, it doesn’t,” saad ni Nick na idinagdag pang next year ay tututok naman siya sa provincial tour and then the year after daw ay sa Asia naman. “And I’d like to bring Erika Mae dahil magaling siya, I saw her progress, si Erika,” aniya pa.
Ang limang bansa na preference niya raw ay sa Japan, Hong Kong, Singapore Australia, at Qatar. Bukod kay Erika Mae Salas, ang ilan sa kasama ni Nick sa kanyang mall tour ay sina Kikay at Mikay at Rayantha Leigh.
Isa rin sa highlight ng pagbabakasyon ni Nick sa Filipinas ang gagawin niyang pagkanta sa ika-20 Gawad Pasado Awards Night sa May 19 sa NTC -Manila. Nominated din si Nick sa darating na Star Awards for Music ng PMPC bilang New Male Recording Artist of the Year. Ano ang reaction niya rito?
Saad niya, “I was very excited na parang shocked, but definitely cried thereafter. In this lifetime kuya, I have always been a very grateful soul, so imagine that day, how thankful my every being became. My prayers will always be there to have a good success. The feeling of being honored is so honorable that I am totally humbled up until to this day. ‘Di ko lang alam, if only I would know who the PMPC members are, I would hug them one by one and say thank you.”
Very soon ay posible rin sumabak sa indie film si Nick, kaya naman sobrang saya niya sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.