Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, may panghihinayang, gamot sa kanser, huli na

NAPAG-USAPAN ang tungkol sa medical marijuana na nakagagamot umano ng kanser, na sinubukan din sa ama ni Tom Rodriguez sa Amerika noong nabubuhay pa ito.
“Hindi ko lang masabi lahat kasi when we tried it… sabi ko nga eh, when I came here for the PCCS, the Philippine Cannabis Compassion Society, they brought me there and I wanted to see.”
May mga kakilala siya na may alam din tungkol sa researches sa medical marijuana.
“Kasi lahat ng information ko about that, and I was researching for it kasi we were desperate tapos nakita niya ako, and I hid it away, kasi siyempre the taboo and the stigma against it, I thought I would be judged.”
Nagkataon naman pala na ang naturang kakilala niya ay may mga pag-aaral din tungkol sa medical marijuana.
“She had a lot of information that the doctors in the States didn’t have kaya I’m so thankful to my friend, if it wasn’t for her, I may have not been able to give that option to dad.
“’Yun nga lang we  found out, we were able to use that option way too late, na hindi na niya kaya at ‘yung nalaman ko hindi pala sapat na legal siya, hindi sapat na may access ka, kasi kung ‘yung stigma and impormasyon wala roon, mahirap.
“Kasi even when you guys are trying to use it for… for dad, for example for our case, I mean there are people around you who will judge you, na tuloy hindi pala naibibigay ng tama, hindi naano kasi iniisip mo baka hindi nakatutulong, baka  mas nakasasama sa kanya.”
Hindi alam ni Tom kung totoo nga na sa early stage ng kanser ay nakagagamot ang medical marijuana na masasabing “alternative route” na gamot sa kanser.
“I wouldn’t know kasi by the time we went to the alternative route it was way too late.”
Nanghihinayang si Tom na kung totoo ngang may lunas na ang kanser tulad ng napapabalita ay hindi man lamang ito umabot sa ama niya na pumanaw last March sa Amerika.
Ang The Cure ay may plot tungkol sa kanser na pinagbibidahan nina Tom at Jennylyn Mercado bilang Gregory at Charity Salvador; kasama rin sina Irma, Jaclyn Jose bilang Dr. Evangeline Lazaro, Mark Herras bilang Darius, LJ Reyes bilang Katrina, Ken Chan bilang Josh Lazaro, Jay Manalo bilang Fernan, Ronnie Henaresbilang Eduardo, Glenda Garcia bilang Lorna, Diva Montelaba bilang Suzy, Arra San Agustin bilang Anna, at Leanne Bautista bilang Hope.
Ito ay sa direksiyon ni Mark Reyes para sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …