Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Cinema, malaki pa rin ang tiwala kay Derek

AMINADO si Derek Ramsay, noong una siyang magbalik sa Star Cinema ay medyo naiilang siya, kahit naging maganda naman ang salubong sa kanya. Pero ngayon, dahil bale second time na niya ulit sa dati niyang home studio iyang pelikula niyang Kasal, panatag na ang loob niya.

Palagay din namin, hindi magtatagal at maging sa telebisyon ay magiging visible na ulit si Derek sa Kapamilya Network.

Wala nang dapat ipag-alala si Derek. Isipin ninyo iyong pelikula niya, ang piniling leading lady niya ay si Bea Alonzo. Bukod doon, si Ruel Bayani pa mismo ang pinag-direhe niyon. Eh iyang si direk, hindi na halos makahawak ng ganyang mga project dahil sa rami ng inaasikaso niya bilang business unit head din ng ABS-CBN. Pero sabi nga niya, kung talagang gusto niya ang project, kung talagang importanteng pelikula siguro, iiwan muna niya ang trabaho niya bilang business unit head at gagawa siya ng pelikula. Actually, napagsasabay naman niya eh. Pagod nga lang siguro siya talaga.

Pero makikita mo sa mga ganyang klaseng proyekto, malaki pa rin talaga ang tiwala nila kay Derek bilang isang actor. Bakit naman hindi eh napakaraming hits ang ginawa ni Derek sa Star Cinema. Nagkaroon nga lang ng kaunting samaan ng loob nang tumanggap siya ng offer mula sa ibang TV network, pero iyong mga ganoong problema, nakalilimutan na iyan lalo na’t alam naman nila na isang mahusay na actor si Derek at malakas sa takilya.

Lahat naman ng lumipat na nagbalik sa kanila ay tinanggap nila. Hindi ba ganoon din naman ang kaso nina Sharon Cunetaat Aga Muhlach. Natural lang naman kasi sa isang artista ang nag-iisip kung saan siya mas magkakaroon ng magandang pagkakataon para sa kanyang career.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …