Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya Quizon ang pumili kay Vice Ganda

DEADMA as in no reaction ang narinig mula kay Vic Sotto sa ‘di niya pagkakapili bilang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award sa FAMAS.

Si Vice Ganda kasi ang pinagkalooban ng nasabing parangal, bagay na kinuwestiyon ng isang kasamahan sa panulat.

Pero nagsalita na ang FAMAS, ang naiwang pamilya ng nasirang King of Comedy ang siyang pumili ng recipient.

Hindi ‘yon kasalanan ni Vice Ganda dahil hindi naman niya hiningi o ini-lobby ang award para sa kanya mapunta. Call ‘yon ng buong angkan ng Quizon.

Pero sa isang banda, ang totoo namang next in line sa larangan ng komedya ay si Bossing. Bakit hindi siya ang napisil ng Quizon family?

Kung estado at body of work ang pag-uusapan ay ‘di maaaring tawaran ang kay Vic. Tulad ni Dolphy ay mayroon din siyang sariling film company.

At huwag na rin tayong lumayo pagdating sa buhay pag-ibig. Like Tito Dolphy, makulay din ang kay Bossing.

But again, hindi at fault si Vice Ganda kung siya man ang choice ng Quizon family. Tiyak na mayroon ding sariling set of standards ang mga mahal sa buhay ni Dolphy.

And who are we to contest?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …