Sunday , April 6 2025
gun dead

Kelot utas sa boga

PATAY ang isang lala­king namamahinga na ngunit tinawag ng mga katropa sa isang inoman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Raymar Aquino, 30-anyos, resi­den­te sa Zapote St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ni Calo­ocan police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel, dakong 9:30 pm nang sunduin ng kanyang mga kaibigan ang biktimang namamahinga sa kan­yang bahay.

Ngunit pagdating sa kanto ng Balagtas St.. sa Brgy. 143, ay biglang pinagbabaril ang biktima ng mga suspek, na agad niyang ikinamatay.

Batay sa ulat ng pu­lis­ya, ilang buwan na ang nakararaan ay tinangkang patayin ang biktima ng hindi kilalang suspek habang nasa inoman ngunit siya ay nakaligtas.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga awtori­dad kung may ilegal na gawain ang biktima.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *