Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahalagahan ng bonding ng pamilya, ipinakita nina Vilma at Luis

KULANG tatlong minuto ang running time ng ad na natisod namin sa FB ng supermarket na ineendoso ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano.

Itinaon pa kasing Mother’s Day (bukas, Linggo) ang patalastas na ‘yon.

Sa simula ng ad ay lulan ng kotse ang mag-ina, si Luis ang nagmamaneho habang katabi ang inang nakapiring. May sorpresa kasi si Luis kay Ate Vi.

‘Yun pala, ang supermarket ang destinasyon nila. Nanariwa sa aming alaala ang VIP at Vilma! days ni Ate Vi dahil reunited siya sa kanyang choreographer na si Maribeth Bichara.

Siyempre, hindi mawawala ang pagsabak muli ni Ate Vi sa pagsasayaw, pati na rin si Luis ay napaindak na rin.

In fairness, at 60 plus na edad ni Ate Vi’y halata mo pa ring taglay niya ang grace sa pagsasayaw. Naiimadyin din namin kung gaano nakakalula ang TF niya roon para mapagsayaw mo ang isang Vilma Santos.

Of course, the ten-minute something ay babawasan pa ng running time kapag umere na ito. Mahaba na ang 30 seconds. Gayunman, klaro ang mensaheng nais itawid sa pagtatampok kina Ate Vi at Luis.

Mahalaga ang bonding ng pamilya sa kahit anong activity. Teka, nakukuha pa bang mag-grocery ni Ate Vi sa kabila ng pagiging abala sa Kongreso?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …