Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cheng, pinakaaktibo (sa mga Muhlach) sa industriya

NAGPUNTA kami noong unang gabi ng burol ni Cheng Muhlach. Napaaga kami ng isang gabi kaysa nai-announce na public wake para sa kanya. Hindi na rin namin inabot si Cheng, pagdating namin doon, ang nasabi lang sa amin ni Aga Muhlach ay ”hindi mo na rin inabot.” Kasi nga ang desisyon nila ay isagawa na ang cremation para ang paglalamayan na lamang ay ang kanyang abo.

Inatake nga sa puso si Cheng noong Biyernes at isinugod siya sa ospital. Umayos naman ang kanyang lagay, nag-respond naman sa gamot, pero hirap na siyang huminga. Namatay si Cheng habang natutulog. Hindi nila alam kung ano ang eksaktong oras dahil tulog nga siya, pero nakita nila na iba na ang kanyang hitsura, at sinubukan pang i-revive, pero ang anak niyang si Arlene ang nagsabing huwag na, dahil nakita niyang wala na rin. Kaya ini-record na lang na namatay siya ng 6:00 a.m., pero maaaring mas maaga pa.

Naroroon sa burol ang pito sa kanyang walong anak. Naroroon din ang kanyang mga apo, ang pamangking si Nino at ang pamilya niyon. Kami nga lang dalawa ni Tita Aster Amoyo ang naiba roon. Inihahanda pa kasi nila ang ayos ng burol. Makalipas ang ilang oras, ipinasok na sa chapel ang isang metal urn na naglalaman ng labi ni Cheng. Si Cheng na napakalaking tao, nagkasya sa isang maliit na metal urn. Sinilayan nila ang kanyang abo. Tahimik na nga si Cheng.

Si Cheng ang pinakaaktibo sa industriya sa lahat ng mga Muhlach. In charge siya ng production ng kanilang mga pelikula noon, tapos naging artista rin siya, at naging producer din. Sinasabi nga niya, ”ang hindi ko lang ginawa magdirehe pero kung iisipin mo kaya ko rin.”

Siguro para sa mga hindi nakakakilala ng personal kay Cheng, ang sasabihin, ang pinakamalaking kontribusyon niya sa industriya ay ang kanyang mga anak. Sa walong anak niya, lima ang naging artista.

Ipinapa-alala pa nga ni Nino, bata pa siya noong una kaming nagkasama-sama. Sa set ng Wonder Films at maski sa AM Productions, si Cheng ang madalas na humaharap sa press. Sa kanilang lahat siya ang pinaka ma-PR eh at makulit. Noong nakaraang linggo lang magkausap kami, may kinukulit pa siya. Pero lambing kaibigan lang iyon. Marami ang makaka-miss kay Cheng ngayong wala na siya sa industriya.  (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …