Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zaijian Jaranilla bilang Liksi ganap nang kagrupo ng Bagani

ISA nang ganap na bagani si Liksi (Zaijian Jaranilla) matapos niyang makuha ang lakas at kapangyarihan ng ‘kalasag ng Kataw’ noong Lunes (7 Mayo) ng gabi  sa hit fantaserye ng ABS-CBN na “Bagani.”

Sa tulong ni Lakas (Enrique Gil) at gamit ang kanyang pamilya bilang inspirasyon, lumabas na ang tunay na kakayahan ni Liksi bilang pinakabagong bagani. Matatandaan na si Mayari ang unang napili at napagkalooban ng ‘kalasag ng Kataw’ ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay nang matamaan ng kidlat ni Sarimaw.

Tunay ngang karapat-dapat maging isang bagani si Liksi dahil sa taglay niyang busilak na puso at tatag na magsakripisyo para sa kanyang pamilya at sa buong Sansinukob.

Napatunayan niya ito nang ilang beses niyang tangkain na labanan si Sarimaw at noong nakipaglaban siya kasama ni Kidlat (Rayver Cruz) nang wala pang kaalaman sa pakikipaglaban.

Ngayong may nagmamay-ari na muli sa ‘kalasag ng Kataw,’ mapagtagumpayan na kaya nilang makuha muli ang Sansinukob kay Sarimaw?

Samantala, ano kayang hakbang ang gagawin ni Sarimaw ngayong unti-unti nang nabubuo ang mga bagani? Huwag palampasin ang “Bagani” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky sub- scribers. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …