SINAGOT ni Direk Eric Quizon ang intrigang ipinupukol sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences(FAMAS) ukol sa special award na Dolphy Memorial Award na igagawad nga kay Vice Ganda sa taong ito.
Majority kasi ay komokontra at ang karapat-dapat raw sa parangal ay ang beteranong komedyanteng si Bossing Vic Sotto. Say pa ni Direk Eric hindi naman daw lifetime achievement ang award kay Vice kundi special award lang.
Samantala inilabas na ng FAMAS ang kanilang mga nominado this year. At pinangunahan ng Ang Larawan, Birdshot, at Respeto ang mga nominado sa Best Picture. Ilan pa sa mga nominado sa nasabing kategorya ay ang Balangiga; Howling Wilderness, Love You To The Stars and Back, Nervous Translation, Paki, The Chanters, Tu Pug Imatuy(The Right To Kill), The Chanters, at Yield.
Para sa Best Actor nominado ang sumusunod: Noni Buencamino, Abra, Dingdong Dantes, Joshua Garcia, Bembol Roco, at Allen Dizon. Kasama rin nilang nominado sina Justine Samson(Balangiga), Jojit Lorenzo(Changing Partners), Noel Comia(Kiko Boksingero), at Timothy Castillo(Neomanila).
Sa Best Actress category ay maglalaban-laban sina Gloria Diaz, Joanna Ampil, Agot Isidro, Dexter Doria, Julia Barreto, Angeli Bayani, Nathalie Hart, Maja Salvador, Max Eigenmann.
Sa Best Director category kabilang sa nominees sina Khavan dela Cruz(Balangiga); Howling Wilderness Mikhail Red, Birdshoot; Top Nazareno, Kiko Boksingero; Antoinette Jadaone, Love You To The Stars and Back; Shireen Seno, Nervous Translation; Treb Monters, Respeto; Arnel Barbarona, Tu Pug Imatuy; at Victor Delotavo Tagaro/Toshihiko, para sa Yield.
Best Supporting Actor-Robert Arevalo, Ang Larawan; John Arcilla, Birdshot; Edgar Allan Guzman, Deadma Walking; Mon Confiado, Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko; Ricky Davao, Paki; Dido dela Cruz, Respeto; Loonie, Respeto; Jess Mendoza, Sa Gabing Nanahimik Ang mga Kuliglig; at si Aga Muhlach sa Seven Sundays ng Star Cinema.
Best Supporting Actress category-Odette Khan, Barboys; Adrienne Vegara, Bliss; Angeli Sanoy, Bomba; Chai Fonacier, Respeto; Yayo Aguila, Kiko Boksingero; Thea Yrastorza, Respeto; Cristine Reyes, Seven Sundays; Irma Adlawan.
Kasama rin ang mga kategoryang Best Original S- creenplay, Adapted Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design, Best Editing, Best Sound, Best Muscial Score, Best Visual Effects, Best Original Song, Best Short Film, at Best Documentary Film sa bibigyan ng mga parangal sa 66th Famas Awards ngayong Hunyo 10 na gaganapin naman sa Solaire Resort & Casino.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma