Monday , December 23 2024
Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

Kalibo International Airport irehab na rin! (ATTENTION: DOTr Arthur Tugade)

NGAYONG pansamantalang nag-seize ang operation ng buong Kalibo International Airport (KIA), pagkakataon na siguro ito para ayusin ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP) ang estruktura ng nasabing airport.

Kung noon ay kanilang inirereklamo ang “lack of time” dahil sa dami ng mga pasahe­rong dumaraan sa kanila, ngayon naman si­guro ay wala na silang masasabi dahil kanilang-kanila na ang oras para isaayos ang sandamakmak na kakulangan sa kanilang serbisyo sa KIA!

Una sa lahat, ang sobrang liit ng kanilang lugar para sa airline counters at boarding gates kaya parang mga daga na nagsisiksikan ang mga pasahero kapag oras ng check-in, ganoon din ang sistema ‘pag “ready to board” na sila.

‘Yung open area kung saan dumaraan ang mga pasahero kapag bumaba na sila sa kanilang airline ay dapat lagyan ng “wall” o dibisyon para kung palipad na ang eroplano ay hindi naman sila tinatamaan ng “jet blast!”

Alam naman natin na sobrang masama lalo na sa mga bata ang malanghap ang aviation gas na lumalabas sa eroplano.

Pagdating naman sa facilities ng KIA, aba’y palitan na ang mga lumang air-conditioning system diyan na parang pugon sa init ang ibi­nubugang hangin?!

Wala rin daw maayos na drinking fountains na puwedeng pag-inuman o pagkuhaan kung nauuhaw na ang mga pasahero.

Sus depuga man?!

Kung iisa-isahin pa natin ang diperensiya ng airport terminal ay baka maubos ang pahina ng buong diyaryo sa dami ng dapat ayusin diyan sa Kalibo Airport!

Kaya naman ‘yung basic necessities lang ang atin munang ipinaaalala!

Sa laki ba naman ng koleksiyon araw-araw ng nasabing airport noon, I’m sure hindi pupuwede sabihin ni CAAM Efren Nagrama na wala silang pondo?!

Ano sila hilo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *