Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, nanghinayang, gamot sa kanser ‘di na umabot sa ama 

NOONG March 25, 2017, pumanaw ang ama ni Tom Rodriguez, ang Amerikanong si William Albert “Bill” Mott Sr. sa Arizona, USA, sa sakit na kanser.

At sa The Cure na primetime series ng GMA ay may sakit na kanser si Agnes Salvador (played by Irma Adlawan) na ina ni Greg Salvador (played by Tom).

Kaya tinanong namin si Tom kung hindi ba siya nahirapan na mag-portray bilang anak ng isang cancer patient sa knowing na pinagdaanan niya iyon sa tunay na buhay?

“It’s weird coz there are parallel things that has happened, na makikita mo, ‘Ah yeah, yeah, that happened!’

“Pero when you’re there (in the scene) ‘yung weird na nangyayari, it’s like, when you’re there, hindi mo iisipin na, ‘Ah si daddy ‘to’, hindi ganoon.

“Kasi when you’re there in the scene, you have to be Greg.

“So in a way, the experiences of Tom, parang a flourish to it lang, almost like a kumbaga… gasoline, kumbaga to get you to where you want to be pero hindi siya ‘yung main thought.

“It fuels lang me in a way.”

Noong nakikipaglaban ang ama ni Tom sa kanser ay may ipinangako ang aktor sa ama. ”That was my promise to dad when the whole thing was happening, I’ve seen things like that happened to contemporaries of mine and how it hurt them and destroy them.

“And I told him, ‘Dad, I will never let this get me down.

“As hard as it was, I told him in his deathbed, ‘It will never get me down, and everything I do from now on will be for you, I promise I won’t let you down.’”

Sa The Cure, dahil sa pagmamahal niya sa kanyang ina ay ginawa ni Tom (as Greg) ang lahat para makahanap ng lunas o gamot para sa kanser.

Kaya siguradong kung mangyayari ito sa tunay na buhay, gagawin ni Tom ang lahat para makita ang gamot na iyon.

“Mayroon na nga raw, eh!

“I don’t know kung totoo o hindi but I’ve heard a few things, that there are like vaccines being developed for that. Siyempre ang sakit na hindi man lang umabot.”

Masakit para kay Tom at sa kanilang pamilya na kung mayroon na ngang gamut sa kanser ay hindi na umabot sa ama para naisalba ang buhay nito.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …