Sunday , April 6 2025
road traffic accident

75-anyos PWD patay sa hit & run (Pagapang na tumatawid)

PATAY ang isang 75-anyos person with disability (PWD) nang mabundol at makaladkad ng isang delivery van habang pagapang na tumatawid sa kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center  ang biktimang si Ernesto Ularte, residente sa C-3, Phase 1-C, Brgy. North Bay Boulevard South, sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan

Ayon sa ulat ni PO3 Joseph Provide, dakong 5:45 am nang maganap ang insidente sa kanto ng C-3 Service Road at Babansi Street, Phase 1-C, Brgy. NBBS.

Pagapang na tumatawid si Ularte sa C-3 Road nang mahagip siya at makaladkad nang ilang metro ng isang aluminum delivery van.

Ngunit imbes tulungan ang biktima, mabilis na humarurot ang nasabing sasakyan.

 (ROMMEL SALES)

 

 

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *