BAKIT nga ba ang mga Pinoy, nakababayad ng mahigit na P20,000 para sa isang foreign concert kagaya niyong kay Bruno Mars, na sa kabuuan ng concert ay nakatayo lang sila, at wala naman sila halos makita dahil sa mga nakataas na cellphones niyong ang palagay sa sarili niya ay mga videographer sa gamit lamang ay cellphone.
Maski si Bruno Mars napikon na puro nakataas na cellphones ang kanyang nakikita.
Bakit natin itatapon ang reserbang dolyar ng ating bansa na napakasama para sa ating ekonomiya dahil sa mga ganyang concerts lamang? Pero galit tayo dahil mas mataas ng P5 ang pambili natin ng isang kilong bigas, at nagbabantang tumaas ng P2 ang singil sa jeep. Minumura natin ang Grab na nang magkaroon ng monopolyo ay dinoble ang singil. Pero sa concert ni Bruno Mars nagtatapon tayo ng mahigit P20K? Nasaan ang diwa roon?
HATAWAN
ni Ed de Leon