Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Train Station, mapapanood na sa selected SM Cinemas

NAGKAROON ng special screening ang Train Station last April 24 sa Cinematheque Center Manila ng FDCP. Present sa presscon ang Pinoy director na si Michael Vincent Mercado at Pinay actress na si Claudia Enriquez, para i-represent ang Philippine Segment ng pelikula kasama ang UK Director na si Craig Lines.

Mapapanood na ang award-winning international movie na prodyus ng CollabFeature. Ipalalabas ito sa selected SM Cinemas simula ngayong May 4 sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang Train Station ay nanalo ng 15 international awards at may multiple entries sa Guinness World Records-Most Directors of a Feature Film (40 filmmakers), Most Female Directors of a Feature Film, Most Language spoken in a Feature Film, Most Country Location of a Feature Film (25 countries including the Philippines), at Most Number of Actors in the Lead Role.

Ikinuwento ni Direk Michael kung paano siya naging bahagi sa international collaboration project na ito. “Iyong project kasi internship ko noong 2012 sa UP Film Institute. So, naghanap ako ng pag-iinternan. May nag-email sa akin at ini-recommend ako. I contacted Loh Yin San ng Malaysia. Originally, part siya ng project, e nagkasakit siya. Dapat magsu-shoot siya rito sa Filipinas, e kailangan niyang bumalik ng Malaysia kasi nagkasakit siya. Dapat tutulong lang ako sa kanya, pero noong nagkasakit siya, ako na ang nag-take over sa project.”

Estudyante pa noon ang theater actress na si Claudia sa College of St. Benilde nang mahanap siya at mapabilang sa cast.

Ano ang pakiramdam nila na mapapanood na ng mga kababayan natin sa Filipinas ang Train Station? Saad ni Direk Michael, “Super proud of the project kasi represented ang Filipinas sa movie. Sana magustuhan ng mga Filipino.”

Ayon naman kay Claudia, “Super excited ako, especially ngayon na napanood na namin. Ngayon lang namin napanood nang buo, nakaka-proud.”

Mapapanood ang Train Station sa walong SM Cinemas-SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North EDSA, SM Fairview, SM Sta. Mesa, SM Southmall, SM Manila, at SM Bacoor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …