HANDANG-HANDA na ang versatile actress na si Bea Binene na makipagtagisan ng galing sa pag-arte kinaSunshine Cruz at Bing Loyzaga sa Karibal Ko ang Aking Ina.
This time, ‘di na pa-twetums ang dating child- actress dahil ready na itong gampanan ang mas matured na role. Kakaibang Bea Binene nga ang mapapanood kompara sa mga nauna nitong proyekto.
Kaya naman marami ang nag-aabang sa pagbabagong bihis ni Bea bilang matured actress na graduate na sa mga teeny weeny roles. Ang tanong ng ilang kaibigang entertainment press, kasabay ba ng pagtanggap ng matured role ni Bea ang pagtanggap na rin ng sexy roles?
Well, ‘yan ang ating aalamin kapag nakita natin ang mabait na actress at ang kanyang ma-PR at generous mommy si Mommy Carina.
Bukod sa Karibal ko ang aking Ina, regular ding napapanood si Bea sa Good News kasama ang awardwinning at napakabait na newscaster na si Ms. Vicky Morales.
MATABIL
ni John Fontanilla