Saturday , November 16 2024
nakaw burglar thief

Negosyante kritikal sa kawatan

KRITIKAL ang isang 59-anyos negosyanteng babae makaraan bugbugin ng hindi kilalang lalaki sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Fiel Castro, taga-Brgy. Longos, malubha ang kalagayan sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng sugat sa batok at mga suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ulat nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, 6:00 pm, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng hindi kilalang suspek. Armado ng kahoy, hinataw sa batok ang biktima na bumagsak sa sahig. Hindi nakontento, hinatak ang biktima sa buhok at paulit-ulit iniuntog sa sahig ang mukha at hindi tumigil hanggang magpanggap na patay.

Kinuha ng suspek ang 2 cellphones na P7,500 ang halaga, at P10,500 salapi bago tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

     (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *