Monday , December 23 2024

Immigration health card palpak na naman!

SUNOD-SUNOD na reklamo ang narinig natin tungkol sa existing health card na ginagamit nga­yon sa Bureau of Immigration (BI), ang VALUE CARE.

Hindi raw value kundi vasura ‘este basura ang klase ng serbisyo na ibinibigay ng health card na ‘yan.

May isang kaso raw na isang empleyado ng BI ang nagtangkang ipagamot ang anak dahil sa sakit sa baga.

Since bata ang biktima, natural lang na emergency ang ganitong kaso. Sino nga naman ang magulang na hindi maaaligaga ‘pag anak ang pinag-uusapan.

Here comes vasura care ‘este Value Care card…

Ayaw daw pumayag ng mismong health card company na gamutin ang anak kung hindi sarili nilang doctor ang gagamitin.

WTF!

Paano kung emergency case nga at hindi available ang doctor nila nang oras na ‘yun?

Maghihintay pa ba ng availability ng kanilang medico legal!?

Kahit  pa raw accredited na hospital sa ilalim ng value care hangga’t hindi nila doctor ay hindi raw i-acknowledge ng nasabing health card!

Pakengshet!

E hindi ba’t nagbabayad naman ang mga empleyado at kinakaltasan kada suweldo para sa health card na ‘yan?

So, bakit ang dami nilang tsetse-buretse!?

Maliwanag na scam ang daingan ‘pag ganyan ang klase ng serbisyo!

‘Yung iba namang health card ay hindi ganyan bakit sila ay kakaiba?

Aba kung ganyan klase ang serbisyo nila ‘e ngayon pa lang i-terminate na ang kontrata ng value care na ‘yan sa BI!

Wala na ngang OT pay tapos ‘pag ganyang medical emergency hindi pa puwedeng asahan ang health card?!

BI-Cooperative, kayo yata ang may komi­syon ‘este konek sa nasabing health card. Baka naman puwedeng isaayos ang sistema ng pinadrinohan ninyo bago lahat ay mabiktima ng basurang serbisyo.

Please lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *