Saturday , November 23 2024

Globe GCash, tumatanggap na ng kontribusyon mula sa employers gamit ang PRN

Makakapagbayad na ng kontribusyon sa Globe GCash ang mga rehistradong employers ng Social Security System (SSS) gamit ang Payment Reference Number (PRN) na bahagi ng real-time posting of contributions ng SSS.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na makikinabang ang halos isang milyong employers, kabilang ang household employers sa mobile wallet service na hatid ng Globe Telecom.

“Ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng bagong sistema ng koleksyon gamit ang PRN para sa real-time posting ng kontribusyon. Sa pakikipagsanib puwersa sa Globe, mas mabilis at mas madali nang makakapagbayad ng kontribusyon ang business at household employers gamit ang kanilang mobile phones,” sabi ni Dooc.

Ang Globe GCash facility ay libreng mobile application para sa Globe o Touch Mobile prepaid users at postpaid subscribers. Para makapagbayad sa Globe GCash, gamitin lamang ng employers ang PRNs na maaari nilang kunin sa My.SSS portal sa website ng ahensya.

Kailangan muna magrehistro ang employers sa pamamagitan ng pagdownload ng GCash app o i-dial ang *143# upang makapasok sa self-service menu gamit ang kanilang Globe o TM mobile accounts.

Hihingian ang employer ng four-digit Personal Identification Number (PIN) para ituloy ang pagrerehistro. I-type ang PIN kasama ang iba pang impormasyon: para sa business employers, ang una at huling pangalan ng company representative at kumpletong address ng kumpanya; at para sa household employers, ang una at huling pangalan ng employer at kanilang address.

“Madali lang magsimula sa pagbabayad ng kontribusyon gamit ang GCash. Kapag nakapagrehistro na, i-dial lamang ang *137 at sundan ang mga sumusunod: Una, piliin ang 2 para sa ‘National Government Agency’ mula sa listahan ng billers. Pagkatapos nito, piliin ang ‘SSS Employer/Household’ at pindutin ang 1 para sa contribution. I-enter ang PRN sa susunod na field at i-click ang submit,” sabi ni Dooc.

Sa bawat matagumpay na transaksyon, makakatanggap ang GCash users ng text confirmation kung saan nakasaad ang payment details, employer ID Number, at PRN.

“May mga mekanismo ang Globe GCash para ligtas ang ibinayad na kontribusyon sa SSS at wala din itong service fee,” paliwanag ni Dooc.

Para sa mga employer na may katanungan, maaari silang makipag-ugnayan sa GCash Customer Service Support Hotline sa numerong 739-2883, SSS Call Center sa 920-6446-55, o mag e-mail sa [email protected].

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *