Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Merck special guest sa concert ni Stephen Bishop sa Resorts World Manila sa May 22 (Ilang dekada nang Prinsipe ng Jazz)

SUPERSTAR days pa lang ni Nora Aunor ay kinilala na ang husay at galing ni Richard Merk sa pagkanta ng mga jazz song. Hanggang ngayon ay patuloy na napapanood si Richard sa kanyang mga concert at iisa ang nasasabi ng marami, “Hindi pa rin kinakalawang sa kanyang talento ang ‘Prince of Jazz.’”

In all fairness ay hindi nawawalan ng show si Chard, katatapos lang ng show niya sa Bacolod Casino Filipino at Mimosa Satellite with Henry Katindig.

Sa darating na May 22 (Tuesday) 8:00 p.m., siya ay  special guests sa concert ng Oscar and Grammy nominee na si Stephen Bishop na Love Rocks kasama ang isa pang Grammy winner na si Bobby Wilson sa Newport Performing Arts Theater na nasa 3rd floor ng Resorts World Manila.

Siyempre aaliwin ni Richard ang audience sa ilang aawiting jazz na kanyang forte at siguradong maa-appreciate ng mga mahihilig rito. Ilan sa performers sa said concert ay sina Milet Abrenica, Janis Cagara etc.

Samantala masaya ang singer/actor/composer at radio anchor at marami pang iba na followers sa kanyang weekend musical na “Words & Music” napapakinggan every Saturday at 3:00 to 4:30 p.m sa DWIZ (882 KHZ) ang estasyong Todong Lakas.

Every episode ay may guest na newcomer and veteran artists si Richard na bukod sa kumakanta nang live sa kanyang show ay may kuwento sila about their songs. Live ring mapapanood ang Words & Music sa Facebook Worldwide Live, just click DWIZ.882.com and pls like and share the show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …