Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabago ni JM, pinagdududahan

HINDI pa man nagsisimula iyong Araw Gabi, sinisiraan na ng iba si JM de Guzman. Sinasabi nila na duda sila kung talagang maayos na ang pagkaka-rehab sa kanya. May mga nagsasabi ring kahit na anong rehab, bumabalik naman talaga ang bisyo sa droga. May mas malupit pang nagsasabi na baka raw ang kalabasan ng seryeng iyan ay kagaya niyong huli niyang ginawa na nagkaroon lang ng problema at hindi na niya natapos.

Kung kami naman ang tatanungin, iyon bang mga artistang kagaya ni JM, na isang mahusay na actor talaga, at sabihin na ngang sa kabila ng lahat ay tanggap pa rin naman ng publiko, ay haharangin ba natin sa kanyang pagbabalik? At bakit sasabihing iyong mga taong nagkaroon ng bisyo sa droga ay hindi na maaaring magbago.

Bakit ba naman ako na-rehab at nagbago,” sabi ng isang movie writer.

Totoo iyon. May mga taong nagkakamali ng diskarte sa kanilang buhay, hindi lang minsan kundi dalawa o tatlong ulit pa, pero ibig bang sabihin niyon ay dapat na silang husgahan at hindi na bigyan ng panibagong pagkakataon? In the first place, si JM iyong nagkaroon man ng problema, wala namang sinagasaang iba kundi sarili lang niya. Hindi naman siya kagaya ng iba na nagwawala, nambabastos ng kapwa, at nananakit. Kung ganoon ang sitwasyon lalo na’t hindi naman talaga magaling umarte, huwag nang pabalikin iyan.

Pero iyong mga may talent na kagaya ni JM, manghihinayang ka kung mawawala, Kaya dapat lang na bigyan siya ng pagkakataon. Mukha namang natuto na siya ng kanyang leksiyon sa buhay. Mukha namang totoo ang sinasabi niyang this time ay talagang magpapakatino na siya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …