Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nagdala ng dalawang restored classics, “Himala” ni Ishmael Bernal at “Moral” ni Marilou Diaz Abaya upang maipakita sa special restored classics feature na itinampok sa Far East Film Festival sa Udine, Italy nitong 26 -27 Abril 2018.
Ang Pilipinas ang country of focus sa festival ngayong taon at parte na rin ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema. Ang FDCP ang mangunguna sa Philippine delegation na magtatampok din ng “Si Chedeng at Si Apple,” “Smaller and Smaller Circles,” at “Ang Larawan” na in competition ang filmmakers nito ay suportado sa ilalim ng International Film Festival Assistance Program (IFFAP).
Bukod dito, nagkaroon ng Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks sa pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Philippine Cinema. Kabilang sa mga speakers ay sina Mr. Ed Lajano, Festival Director ng QCinema; Bianca Balbuena, CEO ng EpicMedia; renow- ned actress Elizabeth Oropesa para sa Filipino Popular Cinema na pinangangasiwaan ni Mr. Max Tessier.
Ang Film Historian at Documentarist naman na si Nick Deocampo ay magho-host din ng isang panel na pinamagatang Discovering the Past: Asian Film History – Filipino Cinema during WWII, na ipapakilala ni Mr. Roger Garcia, Festival Director ng Hong Kong International Film Festival.
“I am pleased to say that The Sandaan: Philippine Centennial Talks is our way of sharing our history and our way of filmmaking to the world as we celebrate this important milestone ,” (Natutuwa akong sabihin na Ang Sandaan: Philippine Centennial Talks ang aming paraan ng pagbabahagi ng aming kasaysayan at paggawa ng pelikula sa mundo bilang parte ng makasaysayang pagdiriwang na ito,” sabi ng Chairperson at CEO na si Liza Diño.
“Through FDCP’s IFFAP, we were able to bridge Filipino filmmakers in International Film Festivals. These are a few of the opportunities that we are proud that we were able to provide to level the playing field when it comes to the Global Arena, because these films can actually deliver and can compete head on given the proper support from the government,” (Sa pamamagitan ng IFFAP ng FDCP, nagawa naming tulungan ang mga Filipino filmmakers sa International Film Festivals. Ito ay ilan lamang sa mga oportunidad na ipinagmamalaki namin – na makapagbigay ng pagkakataong maging patas ang k(u)mpetisyon para sa mga (P)ilipino pagdating sa Global Arena, dahil ang mga pelikulang ito ay kayang makipagsabayan basta’t tamang suporta lang mula sa gobyerno), dagdag niya.
Gaganapin ang Far East Film Festival mula 20-29 Abril 2018.