Friday , November 15 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Bumangon ang UST sa BAR examination

SANDALING ‘namatay’ ang University of Santo Tomas sa larangan ng law school, dahil sa pagkamatay sa hazing ng isang estudyanteng si Horacio, ngunit muling nabuhay ang UST nang maraming nakapasa sa nakalipas na Bar examinations.
Napansin ng lahat na puro sa probinsiya ang nakapasa at kung mayroon man sa Kalakhang Maynila, halos puro take 2, take 3 at mayroon pa na take 5 ang nakapasa.

****
Sadya yatang pinakamahirap ang BAR. Apat na weekend ang eksaminasyon na ngayon ay sa UST na idinaraos matapos ang insidente ng pambobomba sa Las Salle, Taft Ave., Malate, Maynila.
Nagtataka ba kayo kung bakit sa unibersidad na ito pinakamarami yatang nakapasa? Ang kilalang unibersidad na University of the Philippines pang-labinsiyam  sa top, grabe ‘di ba?
Sa mahigit na 6,000 BAR examinees, 25 percent lamang ang nakapasa. Wow ang tindi!

* * * *
Sabi ng mga lawyer ng Divina Law Office, hindi porke ‘di nakapapasa, bobo na, sadyang pinakamahirap talaga ang BAR exam. ‘Yung mga nakikita natin at naririnig na mga bigating abogado, fiscal at judge, sila man ay nagsabi na ilan sa kanila ay take two. Kaya sa mga hindi nakapasa ngayon take nang take lang hanggang makapasa!

KAMPANYAHAN RATSADA NA
SA BARANGAY
Paano kung sa pagbubulgar ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA sa barangay officials  na nasa drug watchlist ay muling kakandidato? Idi-disqualify ba sila? O paghimok lang ito sa mga botante para hindi iboto? Hindi kasi klaro ang anunsiyo ng PDEA.
Sa lungsod ng Pasay umano ang may pina-kamaraming sangkot sa ilegal na droga, kumanididato pa kaya sila?
* * * *
Hindi baleng napatay sa Oplan Tokhang noon, kaysa naman kasama pala ang pangalan sa listahan ng drug watchlist. Buhay pa sinusunog na ng mga constituents, ‘di ba?
“Ang kapal naman ng mukha ng isang kasama sa drug watchlist na kumandidato pa!”
Bulong ‘yan ng source ko riyan sa Tramo St., ang pinakamaraming barangay officials na nasa listahan  ng PDEA.
Abangan!

MMDA NINGAS KUGON

Sa lungsod ng Pasay, panay ang operate ng mga tauhan ng MMDA sa mga illegal parking, iba’t ibang behikulo na nakaparke sa tapat ng establisiyemento. Ngunit ang mga traysikel na nakabalandra at ginagawang terminal ang kalsada bakit hindi hinuhuli o itino-towing?
Parang nakapagtataka Chairman Danny Lim, mukhang may lagay sa inyo ang mga TODA sa lungsod ng Pasay. Nagtatanong lang po!
Kung wala naman bakit hindi hinuhuli o sinasakay ng towing services na bitbit ng MMDA? Ang lungsod ng Pasay ang pinakamaraming TODA at pinakamahal ang pasahe!

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *